visual aid (víz•wal eyd) : anumang materyales na inihanda para makíta o mapanood, gaya ng pelikula, retrato, slide, larawan, o katulad na ginagamit na pantulong sa pagtuturo
first quarter (ferst ku•wár•ter) 1: panahong humigit-kumulang ng isang linggo pagkatapos ng bagong buwan na kalahatian ng buwan ang anyo 2: únang yugtô ng isang oras na hinatì sa apat